Duterte sisibakin ang mga tiwaling opisyal ng BuCor
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin niya ang mga corrupt na opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa gitna ng kontrobersyal na batas ukol sa good conduct ng mga inmates sa New Bilibid Prison (NBP).
Gayunman sinabi rin ng pangulo na iaabswelto niya ang mga opisyal na nagpatupad lamang ng good conduct time allowance (GCTA) sa tamang paraan.
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Bataan Government Center and Business Hub sa Bataan Huwebes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na tiyak na sibak sa pwesto ang mga opisyal na mapapatunayang sangkot sa korapsyon.
Pero ang mga opisyal anya na “in good faith” ang pagpapatupad ng GCTA ay hindi magagalaw.
“Everybody will have to go. Alam nila ‘yan… not because maybe they were exercising a questionable provision of the law and arrogating upon themselves or to themselves that power. Wala sa akin, if it is done in good faith, hindi kita anuhin,” ani Duterte.
Dagdag ng pangulo, maaaring magkaroon ng iba’t ibang interpretasyon sa GCTA law
Maski anya si Justice Secretary Menardo Guevarra ay hindi duda sa ilang probisyon ng naturang batas.
Dahil dito ay dudulog anya ang gobyerno sa Korte Suprema para malinawan ang batas na nagbigay-daan sa paglaya ng mga convicts ng karumal-dumal na mga krimen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.