Grupo ng mga guro, nagbanta ng malawakang tigil-pagtuturo kung hindi mapagbibigyan ang hirit na dagdag sahod

By Noel Talacay September 12, 2019 - 07:01 PM

Nagbanta ang grupo ng mga guro ng pagsasagawa ng malawakang tigil-pagtuturo sa isang buong araw.

Ito ay kung hindi mapagbibigyan ang kanilang kahilingan na salary increase.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Alliance of the Concerned Teacher (ACT) chairperson Joselyn Martines, isasagawa ang planong tigil-pagtuturo sa October 5, 2019 kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Inihayag nito na maaari nila itong gawin sa buong bansa.

Sa ngayon, ani Martines, nakikipag-usap na sila sa mga guro mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Aniya, ang mga guro sa National Capital Region (NCR) ay tiyak nang makikiisa sa posibleng tigil-pagtuturo ng mga guro.

Hinihiling ng mga guro na maging P16,000 ang salary grade 1, P30,000 para sa teacher 1 at P31,000 naman para Instructor 1.

Magugunitang aprubado ang P551.72 bilyong pondo ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2020.

Ani Martines, hindi kasama sa nasabing pondo ang dagdag na sahod para sa mga guro sa bansa.

TAGS: Alliance of the Concerned Teacher, guro, Joselyn Martines, tigil-pagtuturo, world teachers day, Alliance of the Concerned Teacher, guro, Joselyn Martines, tigil-pagtuturo, world teachers day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.