Jose Abad Santos, Davao Occidental nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Davao Occidental, Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 45 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 4:54 ng hapon.

157 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...