Pangulong Duterte may dalawang katangian na hinahanap para sa susunod na BuCor chief

“Honest at competent”.

Ito ang mga hinahanap na katangian ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa susunod na Bureau of Corrections (BuCor) chief kapalit ng sinibak na si dating marine officer Nicanor Faeldon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, wala pang iniaanunsyo ang pangulo kung sino ang permanenteng papalit sa puwesto ni Faeldon.

“You know, the President has only two qualifications – honesty and competence. The President has not made any announcement on that, so we’ll just have to wait for his appointing a person to replace Chief Faeldon,” ayon kay Panelo.

Tugon ito ng palasyo sa pahayag ni Senador Bong Go na dapat na isang “killer” ang susunod na BuCor chief.

Ayon kay Panelo, palaging ang katapatan at kakayahan ang tinitingnan ng pangulo sa pagpili ng kanyang mga tauhan.

Read more...