Task Force binuo ng PNP kaugnay sa pananambang sa convoy ni dating Gov. Amado Espino Jr.

By Angellic Jordan September 12, 2019 - 03:33 PM

Bumuo ang Pangasinan police ng special task force para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pamamaril kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr.

Sa isang press briefing, sinabi ni Col. Rederico Maranan, director ng Pangasinan police, na bubuoin ang task force ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), mga pulis sa kanilang hanay at sa iba pang unit.

Samantala, nakuha na aniya nila ang dalawang sasakyan na ginamit ng mga gunman sa krimen.

Kabilang dito ang isang pulang Hyundai Elantra na may conduction sticker na MR 6318 at isang blue silver na Ford Everest na may conduction sticker na COL 613.

Nangyari ang ambush sa bahagi ng Barangay Magtaking bandang 4:30, Miyerkules ng hapon.

TAGS: ambush, governor espino, pangasinan, task force, ambush, governor espino, pangasinan, task force

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.