P3.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa Naga City

Nasamsam ang mga hinihinalang shabu sa isang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Naga City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol, nagkakahalaga ang nakuhang shabu ng P3.4 milyon.

Nasa limang pakete ng shabu ang nakuha na may bigat na 500 gramo.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakahuli sa suspek na si Matias Matute.

Naaresto si Matute makaraang positibong makabili ng shabu ang isang undercover PDEA agent sa sinasabing safe house sa bahagi ng Barangay Peñafrancia bandang 9:10 ng gabi.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...