Philippine Philharmonic Orchestra libreng magpe-perform sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila

September 12, 2019 - 03:19 PM

Magkakaroon ng libreng performance ang Philippine Philharmonic Orchestra sa Kartilya ng Katipunan, Andres Bonifacio Monument sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, magaganap ito sa September 27, 2019 araw ng Biyernes, alas 5:00 ng hapon.

Sinabi ni Moreno na dahil libre para sa lahat maging ang mahihirap na mamamayan ay makakapanood ng performance ng tanyag na grupo.

Sinabi ni Moreno na kahit siya ay hindi pa niya nagagawang makapanood ng performance ng Philippine Philharmonic Orchestra dahil sa mahal na tickets bunsod ng pagiging “world-class” nito.

Ang Sept. 27 event ay pangungunahan ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau (MTCAB).

TAGS: Andres Bonifacio Monument, Kartilya ng Katipunan, Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau, Philippine Philharmonic Orchestra, Andres Bonifacio Monument, Kartilya ng Katipunan, Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau, Philippine Philharmonic Orchestra

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.