Epekto ng tensyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran binabantayan ng Malacañang

By Alvin Barcelona January 05, 2016 - 08:57 PM

SONNY-HERMINIO-COLOMA
Inquirer file photo

Nakatutok ang Malacañang sa umiinit na tensyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia kung saan ay inaasahang makaka-apekto ito sa mga Pinoy na nagta-trabaho at naninirahan sa Middle East.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma Jr., mahigpit ang koordinasyon ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Konsulada at Embahada para masubaybayan ang sitwasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Tiniyak din ni Coloma na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga maaapektuhan ng sitwasyon kasabay ng pagtiyak na kabilang ang Pilipinas sa mga nagsusulong ng kapayapaan sa gitnang silangan na pinagta-trabahuhan ng maraming Overseas Filipino Workers (OFW).

Kaugnay nito, kinalma ni Coloma ang publiko hinggil sa pangamba na marami ang mawawalan ng trabaho oras na lumubha ang tensiyon pati na ang posibilidad na bumaba ang oil revenue sa Saudi.

Ani Coloma, maliban sa paghahanda nila sa nasabing posibilidad at umaasa sila na kaunti lamang ang maapekatuhan nito dahil sa nagawa ng administrasyon na maibaba ang bilang ng mga nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa pagbuti naman ng employment sa bansa.

TAGS: Coloma, Iran, Malacañang, Saudi, Coloma, Iran, Malacañang, Saudi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.