CPP founding Chairman Jose Maria Sison maaring ma-extradite ayon sa Malakanyang

By Chona Yu September 12, 2019 - 02:56 PM

Maaring ma-extradite o mapauwi ng bansa si Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison na ngayon ay naka-self exile sa The Netherlands.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ay kung papayag ang pamahalaan ng The Netherlands.

Una rito, humingi na ng tulong ang Philippine National Police (PNP) sa International Criminal Police Cooperation Interpol para maaresto si Sison matapos magpalabas ng warrant of arrest ng Manila Court dahil sa Inopacan Massacre noong 1980.

Ayon kay Panelo, dapat na harapin ni Sison ang kanyang mga kaso sa bansa lalo’t nabigyan naman siya ng pagkakataon na maidepensa ang kanyang sarili.

Payo pa ni Panelo kay Sison, dapat na itong kumawala sa kanyang ilusyon na mapatatalasik na siya sa puwesto.

Mahigit sa 50 taon na aniyang nakikipaglaban si Sison sa pamahalaan subalit wala namang nangyayari.

Una rito, sinabi ni Sison na hindi siya maaring ma-extradite o mapauwi ng Pilipinas kahit na humingi pa ng tulong ang PNP sa Interpol dahil sa mayroon siyang absolute protection sa United Nation’s Refugee Convention and the European Convention on Human Rights.

Pero ayon kay Panelo, moot and academic na ang mga pahayag ni Sison dahil mayroon na siyang warrant of arrest sa Pilipinas.

TAGS: absolute protection, CPP, Philippine National Police, Salvador Panelo, United Nation’s Refugee Convention and the European Convention on Human Rights, absolute protection, CPP, Philippine National Police, Salvador Panelo, United Nation’s Refugee Convention and the European Convention on Human Rights

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.