Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin pa rin sa susunod na mga oras
Nananatiling nakataas ang rainfall advisory ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Ayon sa abisong inilabas ng PAGASA alas 2:00 ng hapon, light to moderate na pag-ulan nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ang pag-ulan ay dulot ng trough ng bagyong Marilyn.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 5:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.