3 convicts na nakalaya dahil sa GCTA sumuko sa Calabarzon police

Tatlong convicts na napalaya nang dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang sumuko sa mga otoridad sa Calabarzon.

Sa Batangas City, simuko sa mga pulis ang isang rape convict na nahatilan taong 2006.

Siya ay nakalaya mula sa Bilibid dahil sa GCTA noong September 30, 2016.

Sa Pakil, Laguna naman, isang murder at rape convict ang sumuko.

Nahatulan siya sa kaso noong 1991 at nakulong sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan.

December 2018 nang siya ay makalaya dahil sa GCTA.

Sa Silang, Cavite naman isang nahatulan din sa dalawang bilang ng kasong murder, frustraded murder at attempted murder ang sumuko.

Noon lamang July 10 nakalaya ang nasabing bilanggo.

Read more...