High-profile inmates nakapagpapasok ng babae sa Bilibid sa halagang P30,000 ayon sa isang dating BuCor official

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 12:58 PM

Kabilang si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer in charge Rafael Ragos sa tumestigo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa mga anumalyang nagaganap sa Bilibid.

Sa kaniyang pagharap sa senate hearing, sinabi ni Ragos na maraming iba’t ibang uri ng korapsyon at money-making schemes ang nangyayari sa piitan.

Ani Ragos, nakapagpapasok at nakapagpapa-overnight ng “Tilapia” ang mga high-profile inmate sa Bilibid.

Ang “Tilapia” ay code name na ginagamit na ang ibig sabihin ay “babae”.

Ani Ragos, ang mga high-profile inmate ay nagbabayad ng P30,000 sa bawat babaeng ipinapasok at pinagpag-overnight sa Bilibid.

Ang mga babaeng ipinapasok ay kalaunan nagiging girlfriend o asawa ng mga preso.

Isa pang pinakakakitaan sa Bilibid ayon kay Ragos ay kidnapping.

Kwento ni Ragos ang mga asawa o kasintahan ng mga preso ay dudukutin at sangkot sa pagdukot ang ilang mga dating pulis.

Sa loob aniya ng Bilibid magaganap ang negosasyon at kapag nakabayad ng P200,000 ay saka lang palalayain ang biktima.

TAGS: Bilibid, Bureau of Corrections, prostitution, Radyo Inquirer, Rafael Ragos, Bilibid, Bureau of Corrections, prostitution, Radyo Inquirer, Rafael Ragos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.