Opisyal ng BuCor inaming “lahat ay nababayaran” sa ahensya

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 12:38 PM

Napaamin ang hepe ng legal division ng Bureau of Corrections (BuCor) sa talamak na korapsyon sa ahensya.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Atty. Fredric Santos na “nababayaran lahat” sa BuCor.

Si Santos ay isa sa mga opisyal ng BuCor na pinatawan ng suspensyon ng Office of the Ombudsman.

Kabilang sa inihalimbawa ni Santos ang pagpapabaya sa mga preso na mag-inuman o gumamit ng cellphone.

Sa halip na ireklamo ang inmate na mahuhuli, kukuhanin na lang ng prison guard ang cellphone.

Bilang pasasalamat, bibigyan naman ng preso ang prison guard ng P500 o P1,000.

Ayon kay Santos, 23 taon na siya sa BuCor.

Dagdag pa ni Santos ang halaga na ibinibigay para makapagpasok ng cellphone ang isang bilanggo ay depende sa kaniyang “standing”.

TAGS: blue ribbon committee, Bureau of Corrections, Fredric Santos, hearing, Senate, blue ribbon committee, Bureau of Corrections, Fredric Santos, hearing, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.