Mga patay na baboy inanod sa Marikina River; agad ipinabaon ng lokal na pamahalaan

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 12:24 PM

Anim na patay na baboy ang nakitang inanod sa Marikina River, Huwebes (sept. 12) ng umaga.

Sa ulat ng Marikina City Rescue, ang mga patay na baboy ay nakita sa ilog sa boundary ng Barangay Nangka, Marikina City at San Mateo, Rizal.

Para naman matiyak ang kaligtasan ng mga residente at agad ipinadala ng lokal na pamahalaan sa lugar ang mga tauhan ng City Veterinary Office, Riverparks Development Office, City Engineering at City Health Office.

Agad ding ipinalibing ang mga baboy na nakita sa ilog.

Nakipag-ugnayan naman ang Marikina City Rescue sa command center ng San Mateo at Montalban, Rizal upang maging mahigpit sa pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Maari kasing ang baboy na inanod sa ilog ay galing sa San Mateo o sa Montalban.

TAGS: African Swine Fever, marikina river, Montalban Rizal, San Mateo Rizal, African Swine Fever, marikina river, Montalban Rizal, San Mateo Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.