Lolo sugatan matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Makati

Sugatan ang isang 68 anyos na lolo matapos mahagip ng tren ng PNR sa Makati City.

Tumatawid umano sa nasabing lugar ang lalaki habang paparating ang tren.

Agad naman naisugod sa ospital ang biktima ng rumespondeng ambulansya ng Brgy. Pio del Pilar .

Dahil sa insidente, tumirik ang tren at humambalang sa bahagi ng intersection ng Buendia.

Nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa Malugay St. at bahagi ng Buendia.

Ayon kay Joseline Geronimo, tagapagsalita ng PNR, nag-hutdown ang tren nang mahagip nito ang lalaki matapos gumamit ng emergency brake.

Paliwanag ni Geronimo, nagkaproblema sa air pressure ng locomotive at sa preno nito nang gamitin ang emergency brake ng driver ng tren.

Read more...