Rainfall advisory nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit – PAGASA

Nananatiling nakataas ang rainfall advisory ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa abisong inilabas ng PAGASA alas 11:00 ng umaga, light to moderate na pag-ulan ang mararanasan sa Zambales at Bataan.

Habang light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang umiiral sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Read more...