Bilang ng nasawi sa banggan ng truck at bus sa Davao City noong Martes umakyat na sa 4

By Jimmy Tamayo September 12, 2019 - 11:14 AM

Umakyat na sa apat ang bilang ng patay sa malagim na banggaan ng isang truck at bus sa Toril, Davao City Martes (Sept. 10) ng hapon.

Sa isang press briefing, kinumpirma ng Davao City Police na tatlo sa mga naisugod sa ospital ang binawian na rin ng buhay.

Kinilala ang dalawang namatay sa ospital na sina Rodrigo Tolin, 53-anyos; Julita Torin, 53-anyos na kapwa government employees at isa pang hindi nakilalang babae.

Samantala, nanatili sa ospital ang nasa 15 katao na nasugatan sa pangyayari.

Bandang ala-1:15 ng hapon noong martes nang magkabanggaan ang isang Hino Truck aluminum wing van at isang Mindanao Star Bus sa McArthur Highway, Central 1 sa Barangay Binugao.

Dead-on-the spot ang isang pasahero na nakilalang si Judy Tepacia Mejares, 50-anyos at residente ng Boulevard, Davao City.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa pangyayari habang ang labi ng mga nasawi ay dinala na sa TCC Funeral Homes sa Barangay Lizada sa Toril, Davao City.

TAGS: accident, bus, Davao City, Radyo Inquirer, truck, accident, bus, Davao City, Radyo Inquirer, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.