Bagyo sa labas ng bansa pumasok na sa PAR pinangangalanang Marilyn ng PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 10:42 AM
Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression Marilyn.
Ayon sa PAGASA, alas 9:30 ng umaga nang makapasok sa bansa ang bagyo.
Mamayang alas 11:00 ng umaga ilalabas ng PAGASA ang unang Severe Weather Bulletin para sa bagyo.
Ang trough ng nasabing bagyo ay nagpapaulan na sa malaking bahagi ng VIsayas at sa Luzon.
Hindi naman ito inaasahang tatama sa kalupaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.