Getaway vehicles ng mga suspek sa pananambang kay dating Gov. Espino sa Pangasinan, natagpuan na

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 10:30 AM

Natagpuan na ang dalawang getaway vehicle na ginamit ng mga nasa likod ng pananambang sa convoy ni dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr., kahapon araw ng Huwebes (Sept. 11)

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, natagpuan din ang iba’t ibang uri ng armas sa loob ng dalawang sasakyan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Banac na patuloy na nagpapagaling si Espino sa ospital at kaniyang apat na tauhan.

Patuloy naman ayon kay Banac ang pagkalay ng ebidensya at mga testigo na maaring makatulong para mabilis na maresolba ang kaso.

Mahalaga ayon kay Banac na agad may mahuli at may masampahan ng kaso sa nasabing insidente.

TAGS: ambush, bernard banac, governor amado espino, pangasinan, ambush, bernard banac, governor amado espino, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.