Muling inilagay sa “yellow alert” ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon Grid, Lunes ng umaga.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department of Energy (DOE) Electric Power Industry Management Bureau Dir. Mylene Capongcol, biglaang bumagsak ang ilang planta na nagsu-suplay sa Luzon.
Sa ilalim ng yellow alert, bagaman gumagana at sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon, ay kakaunti lamang ang reserbang kuryente.
Nangangahulugang kapag mayroon pang isang planta na bumigay ay kakapusin na ang suplay ng kuryente.
Sa ngayon sinabi ni Capongcol na mayroong demand na 8,600 megawatts sa Luzon, ang total capacity na gumagana ay 9,177 megawatts at 577 megawatts lamang ang reserba.
Pero as of 6:00 ng umaga, nakasaad sa website ng NGCP na 491 megawatts lamang ang nalalabing reserba para sa Luzon Grid./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.