Nawawala sa Bahamas dahil sa Hurricane Dorian umabot sa 2,500

By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2019 - 09:19 AM

Umabot sa 2,500 na katao ang nasa listahan ng mga nawawala matapos tumama sa Bahamas ang Hurricane Dorian.

Ito ay base sa inilabas na listahan ng National Emergency Management Agency.

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Carl Smith, isasailaim pa sa double-checking ang mga pangalan partikular sa mga evacuees na nanunuluyan sa mga nasalantang lugar.

Isang linggo matapos manalasa ang bagyo sa Bahamas ay umabot na sa 50 ang bilang ng mga nasawi.

Patuloy naman ang search and rescue sa mga nawawala pa.

Naibalik naman na ang suplay ng kuryente sa malaking bahagi ng Grand Bahama.

TAGS: bahamas, Hurricane Dorian, National Emergency Management Agency, bahamas, Hurricane Dorian, National Emergency Management Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Ad
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.