Sen. Bong Revilla kumilos para sa dagdag-sahod sa mga guro
Inatasan na ni Senator Ramon Revilla Jr., ang Department of Budget and Management (DBM) na hanapan ng paghuhugutan ng pondo para sa ibibigay na umento sa mga public school teachers.
Sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Committee on Civil Service, nalaman ni Revilla na ang salary increase sa DepEd ay napakinabangan sa mga matataas na posisyon lamang.
May ilang panukala para itaas ang sweldo ng mga guro at pumantay o lumapit man lang ito sa natatanggap ng iba pang kawani ng gobyerno, partikular na sa mga pulis at sundalo.
Sa pagdinig iginiit ng mga grupo ng mga guro na mas mataas lang ang kanilang suweldo kumpara sa mga private school teachers ngunit ang kanilang compensation package ay hamak na mas mababa kumpara sa ibang empleado ng mga ahensiya ng gobyerno.
Sinabi naman ni Education Usec. Tonisito Umali na may paraan naman para mapalapit ang suweldo ng mga bagong guro at master teachers kung lilikha lang ng mga items para sa Teachers 4, 5 at 6.
Kapag naaprubahan ang panukala ni Revilla, tataas ng P10,000 ang suweldo ng entry level teacher.
Gusto din ni Revilla na magkaroon ng pondo para itaas sa P5,000 ang chalk allowance ng mga guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.