Mula sa ban sa pag-aangkat ng baboy sa mga kalapit na lalawigan ay ipinatupad na ang total ban.
Sa inilabas na executive order ni Pangasinan Governor Amado Espino III, pansamantala lamang naman ang pag-iral ng total ban hangga’t hindi nagdedeklara ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas na talaga sa African Swine Fever ang swine industry.
Ginawa ang kautusan matapos ihayag ng Department of Agriculture na nagpostibo sa ASF ang ilang baboy na kinuhanan ng sample at isinailalim sa pagsusuri.
Inatasan ng gobernador ang Provincial Veterinary Quarantine Officers na magtalaga ng chekpoints sa mga entry point sa lalawigan.
Inatasan din ang lahat ng lokal na pamahalaan sa mga bayan na paigtingin ang kanilang sanitation standards sa mga katayan ng baboy at sa mga palengkeng nasasakupan.