Total ban sa pagpasok ng mga baboy sa Pangasinan ipinatupad ng provincial government

September 12, 2019 - 06:21 AM

Nagpatupad na ng total ban sa pagpasok ng swine/pigs sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa ban sa pag-aangkat ng baboy sa mga kalapit na lalawigan ay ipinatupad na ang total ban.

Sa inilabas na executive order ni Pangasinan Governor Amado Espino III, pansamantala lamang naman ang pag-iral ng total ban hangga’t hindi nagdedeklara ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas na talaga sa African Swine Fever ang swine industry.

Ginawa ang kautusan matapos ihayag ng Department of Agriculture na nagpostibo sa ASF ang ilang baboy na kinuhanan ng sample at isinailalim sa pagsusuri.

Inatasan ng gobernador ang Provincial Veterinary Quarantine Officers na magtalaga ng chekpoints sa mga entry point sa lalawigan.

Inatasan din ang lahat ng lokal na pamahalaan sa mga bayan na paigtingin ang kanilang sanitation standards sa mga katayan ng baboy at sa mga palengkeng nasasakupan.

TAGS: African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, pangasinan, pig, Swine, total ban, African Swine Fever, Bureau of Animal Industry, pangasinan, pig, Swine, total ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.