4 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas September 12, 2019 - 04:51 AM SHARE(S):

Timbog ang apat katao sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Unang naaresto ang isang tricycle driver at isa pa niyang kasamahang lalaki sa anti-illegal drug operation sa Brgy. Sacred Heart.

Ayon kay Cubao Police Station drug enforcement unit chief Pol. Capt. Ramon Acquiatan nabilhan ng P500 halaga ng shabu ang mga suspek.

Agad na inaresto ang dalawa at nakuhaan ng 26 plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Isang babaeng kasambahay at isa pang kasamahang babae ang naaresto naman sa buy-bust operation sa Brgy. San Antonio.

Dati nang nakulong dahil din sa iligal na droga ang target na kasambahay na nakilala sa alyas na ‘Rose’.

Nakuha mula sa mga suspek ang 14 sachet ng hinihinalang shabu.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, shabu, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, quezon city, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.