1 patay, 3 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Negros Occidental

By Rhommel Balasbas September 12, 2019 - 04:39 AM SHARE(S):

Patay ang isang magsasaka habang sugatan ang tatlong iba pa matapos silang tamaan ng kidlat sa Barangay Odiong, Moises Padilla, Negros Occidental araw ng Miyerkule.s

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Saldy Alegre Marfil, 42 anyos at ang mga nasugatan ay ang kanyang mga pamangkin.

Mag-aani lamang sana ng palay ang mga biktima nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya’t napagpasyahan na lamang ng mga itong umuwi.

Habang nasa daan papauwi, biglang tumama ang kidlat si Marfil sa kanyang dibdib.

Dead-on-the-spot si Marfil habang nagpapagaling pa sa ospital ang kanyang mga pamangkin.

 

TAGS: 1 patay, 3 sugatan, dead-on-the-spot, kidlat, magsasaka, malakas na ulan, Negros Occidental, palay, 1 patay, 3 sugatan, dead-on-the-spot, kidlat, magsasaka, malakas na ulan, Negros Occidental, palay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.