Mga patay na baboy sa Quezon City sinusuri na ng BAI

By Rhommel Balasbas September 12, 2019 - 04:30 AM

Sinusuri na ng Quezon City Veterinary Department at Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga patay na baboy na natagpuan sa creek sa Brgy. Bagong Silangan, araw ng Miyerkules.

Ito ay sa gitna ng pangambang African Swine Fever (ASF) ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy.

Kumuha ng tissue sample ang BAI sa mga patay na baboy para isailalim sa laboratory test.

Hindi pinayagan ang media na makunan ang proseso ng pagkuha ng sample.

Ayon kay sa QC Veterinarian Dra. Ana Maria Cabel, sakaling magpositibo sa ASF ang mga patay na baboy, agad na ipag-uutos ang pagpatay at paglilibing sa mga baboy sa nasabing baranggay.

Sa tala ng Barangay Bagong Silangan, mayroong 100 backyard piggery owners sa kanilang lugar.

Miyerkules ng umaga nang bigla na lamang umalingasaw ang mabahong amoy at nang hanapin ang pinagmumulan nito ay tumambad sa mga residente ang mga patay na baboy.

Nauna nang ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasara sa backyard piggery sa lungsod dahil iligal ito batay sa zoning ordinance.

Binigyan lamang ng anim na buwan ang piggery owners para maibenta ang kanilang mga baboy o mailipat ang kanilang mga negosyo.

 

TAGS: African Swine Fever, backyard piggery, Brgy. Bagong Silangan, Bureau of Animal Industry, lab test, patay na baboy, piggery owners, quezon city, Quezon City Veterinary Department, sinusuri, tissue sample, zoning ordinance, African Swine Fever, backyard piggery, Brgy. Bagong Silangan, Bureau of Animal Industry, lab test, patay na baboy, piggery owners, quezon city, Quezon City Veterinary Department, sinusuri, tissue sample, zoning ordinance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.