Malacañang di makikialam sa posisyon ng SolGen sa kaso ni Poe

malacanang-fb-0723
Inquirer file photo

Walang nakikitang problema ang Malacañang sa paninindigan ng Office of the Solicitor General na isang natural born Filipino si Senadora Grace Poe at kwalipikado na tumakbo sa 2016 presidential elections.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma Jr. na batid ng pamahalaan na ang pahayag ng SolGen ay bahagi ng pagtupad nito sa tungkulin bilang tagapagtanggol ng posisyon ng pamahalaan sa kaso.

Matatandaan na inihayag ni SolGen Florin Hilbay na siya ding tumatayong Legal Counsel ng Senate Electoral Tribunal o SET na tama ang unang desisyon na payagang kumandidato si Poe dahi isa itong natural born Filipino base sa mga inilatag na ebidensiya kabilang na ang mga physical features nito.

Iginiit pa ni Hilbay na walang nagawang grave abuse of discretion ang SET sa desisyon nito sa kaso ng Senadora. Nilinaw din ng Malacanang na tutol sila sa anumang uri ng paninira na may kinalaman sa pulitika.

 

Read more...