“Janet Lim Napoles” may GCTA din?
Kabilang ang pangalan ng convicted plunderer at pork barrel mastermind Janet Lim-Napoles sa listahan ng napalayang bilanggo dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito ay batay sa dokumentong nakalap ng Inquirer na may pangalan ng mga inmates na napalaya sa ilalim ng GCTA simula taong 2014.
Batay sa listahan, pang 275 si Napoles sa mga nasentensyahan sa kasong rape at napalaya noong November 12, 2018.
Sa phone interview ng Inquirer kay Sen. Richard Gordon Miyerkules ng gabi, kinumpirma nito na si Napoles ay nasa listahan ng mga heinous crime convicts na napalaya sa ilalim ng GCTA.
Dismayado ang senador sa panibagong rebelasyon at posible anyang may pagtatangkang mapalaya ang napakaraming convict kabilang na si Napoles.
“There is an attempt to release as many people as they can, including Napoles,”.
Nangako si Gordon na sisiyasatin ang isyu ng GCTA kay Napoles sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ngayong Huwebes.
Sa listahan, may mali ring entry sa records ng iba pang mga bilanggo at may magkakaparehong pangalan ngunit magkakaiba ang detalye ng mga kaso.
Samantala, wala pang pahayag ang Bureau of Corrections (BuCor) ukol sa pagkakasama ng pangalan ni Napoles sa listahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.