Port visit ng BRP Ramon Alcaraz sa Vietnam natapos na
Nagwakas na ang apat na araw na port visit ng BRP Ramon Alcaraz (PS-16) ng Philippine Navy sa Ho Chi Minh, Vietnam.
Sa isang statement, sinabi ni Naval Task Group (NTG) 80.5 public affairs office chief Lt. Ryan Luna na dumating sa Vietnam ang barko hapon ng September 7.
Sinalubong ang NTG 80.5 personnel na pinamumunuan ni Capt. Hilarion Cesista ng 2nd Naval Region ng Vietnam People’s Navy.
Nagcourtesy call din ang grupo kay 2nd Naval Region deputy commander Captain Dinh Van Thang.
Binisita rin ng grupo nina Luna at Cesista si Ha Phuoc Thang, head of office ng Ho Chi Minh City People’s Committee.
Ayon kay Luna, nagkaroon ng serye ng confidence-building engagements ang dalawang hukbong pandagat kabilang ang shipboard tour, reception, at friendly games.
Ito na ang ikatlong beses na bumisita ang isang barko ng Philippine Navy sa Vietnam.
Iginiit ni Luna na ang port visit ay paraan para mapalakas pa ang relasyon sa pagitan ng dalawang hukbong pandagat.
“(The visit) becomes an avenue for sustaining and enhancing the relationship between the two navies and will further intensify such understanding in the areas of security and defense, economic matters, regional and international cooperation,” ani Luna.
Samantala, bago pumunta ng Vietnam, dumalo rin ang BRP Ramon Alcaraz sa kauna-unahang Asean-US Maritime Exercise na naganap sa Gulf of Thailand noong September 2 hanggang 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.