Ito ay matapos papurihan ng pangulo ang alkalde at sinabing mas mahusay pa ito sa kanya.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Moreno na ang uri ng liderato ni Duterte ay inspirasyon sa kanya at sa iba pang mga alkalde sa pagpapatupad ng mga pagbabago sa kanilang mga lungsod.
“Thank you for the kind words, Mr. President, but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na meron kami. “So I think kung ano man ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pangulo na meron tayo,” ayon kay Isko.
Inalala ni Moreno ang kanyang pagbisita sa Davao City kung saan natakot umano siyang manigarilyo dahil sa ‘no smoking policy’ ng lungsod.
May pagkakataon din umanong bumagal ang takbo ng kanilang sasakyan pagdating ng Davao City mula Tagum dahil sa istriktong pagsunod ng mga drayber sa batas-trapiko.
Ayon kay Moreno, inspirasyon si Duterte at isa itong magandang halimbawa sa mga lingkod-bayan.
“So we owe it to you Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us,” dagdag ng alkalde.