AFP: Maaga pa para desisyunan ang pagrekomenda sa martial law extension sa Mindanao

By Rhommel Balasbas September 12, 2019 - 03:15 AM

File photo

Masyado pang maaga para magdesisyon kung irerekomendang alisin o palawigin ang pagpapairal ng martial law sa Mindanao ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Ito ay sa gitna ng pinakabagong kaso ng suicide bombing sa Indanan, Sulu.

Ayon kay AFP spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, maraming bagay ang kailangan ikonsidera bago magbigay ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng martial law.

Iginiit ni Arevalo na dapat munang matiyak ang seguridad sa Mindanao.

Ayon sa AFP official, posibleng mas marami pang pag-atake ang naganap kung hindi ipinatutupad ang batas militar sa Mindanao.

“It’s too early for us to say na dapat na siyang i-lift o hindi siya dapat i-lift. Ang kailangan natin dito ma-establish muna natin ang kasiguruhan ng seguridad ng particular area like Mindanao,” ani Arevalo.

Ikinokonsidera rin naman umano ang apela ng ilang mga alkalde tungkol sa pag-aalis sa martial law sa kanilang mga nasasakupan.

“We take these into account as part of the recommendation ng (of the) local chief executives,” ani Arevalo.

Isa sa mga umapelang alisin na ang martial law partikular sa kanyang lungsod ay ang presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon sa alkalde, maganda ang security situation sa Davao City kahit wala ang martial law.

 

TAGS: AFP, alisin, Brigadier General Edgard Arevalo, Davao City, indanan, maaga pa, Martial Law, Mindanao, palawigin, suicide bombing, Sulu, AFP, alisin, Brigadier General Edgard Arevalo, Davao City, indanan, maaga pa, Martial Law, Mindanao, palawigin, suicide bombing, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.