US eliminated sa FIBA World Cup matapos talunin ng France

By Len Montaño September 12, 2019 - 02:48 AM

AFP photo

Eliminated na ang Estados Unidos sa FIBA World Cup matapos itong talunin ng France sa laro sa China sa score na 89-79.

Ito ang unang pagkakataon na bigong nakuha ng US ang gold sa FIBA World Cup mula noong 2006.

Nanalo ang Amerika sa 58 na magkasunod na tournament games sa FIBA at Olympics pero dahil sa pagkatalo sa France, maaari na lamang magtapos ang koponan sa ika-limang pwesto.

May pagkakataon pa rin naman ang US na sumabak sa 2020 Olympics pero hindi na tiyak na makakuha sila ng medalya.

Ang France ay pinangunahan ni Evan Fournier na gumawa ng 22 points habang nagdagdag si Rudy Gobert ng 21 points.

Sa panig naman ng US, nanguna sa scoring si Donovan Mitchell sa ginawa nitong 29 points.

 

TAGS: China, eliminated, Fiba World Cup, France, gold medal, ika-5 pwesto, olympics, talo, US, China, eliminated, Fiba World Cup, France, gold medal, ika-5 pwesto, olympics, talo, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.