4 hanggang 5 testigo sasalang sa imbestigasyon ukol sa GCTA
Nasa apat hanggang lima katao ang inaasahang bagong tetestigo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa umano’y korapsyon sa Bureau of Corrections (BuCor) kabilang ang sinasabing bentahan ng good conduct time allowance (GCTA).
Sa panayam sa Senado, sinabi ni Senate President Tito Sotto na napadalhan na ng subpoena ang mga bagong testigo para dumalo sa pagdinig ng Senado.
Ilan aniya sa mga ito ay dating preso at dating opisyal ng BuCor.
Ani Sotto, inaasahang isisiwalat ng mga testigo ang lahat ng nangyayari sa BuCor dati hanggang ngayon.
Tatalakayin din aniya ang pagdinig kung paano mahihinto ang mga iregularidad kabilang sa New Bilibid Prison (NBP).
Ipagpapatuloy ang pagdinig, sa pangunguna ni Senate committee on justice chair Richard Gordon, ngayong Huwebes, September 12.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.