DA minomonitor ang mga lugar kung saan nadala ang mga baboy na namatay sa ASF
Tinututukan ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar kung saan posibleng naipadala ang mga nasawing baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).
Sa isang panayam, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na inaalam nila kung saan napadala ang mga baboy na nasawi dahil sa nasabing sakit.
Halimbawa aniya rito ang mga nasawing baboy na nagpositibo sa Bulacan.
Dahil dito, sinabi ni Dar na tinututukan din ng kagawaran ang iba pang lugar sa posibleng maitalang hindi pangkaraniwang pagkamatay ng mga baboy.
Gayunman, tiniyak ng kalihim na walang epidemic sa nasabing sakit.
Matatandaang noong Lunes, September 9, nagpositibo sa ASF ang labing-apat sa dalawampung blood samples mula sa Rizal at Bulacan na ipinasuri sa United Kingdom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.