Senator Bato dela Rosa kabilang sa iniimbestigahan ng Ombudsman ukol sa GCTA
Kabilang si Senator Ronald Dela Rosa sa isinailalim sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kaugnay sa isyu ng Republic Act 10592 0 Good Conduct Time Allowance Law.
Sa budget deliberation sa Kamara, tinanong ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate ang Office of the Ombudsman kung damay sa pagsisiyasat si Dela Rosa.
Ayon kay Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos Jr., ang nag-sponsor ng pondo para sa Office of the Ombudsman, sinabi ni Ombudsnan Samuel Martires na isa si Dela Rosa sa mga pakay ng motu propio investigation ng anti-graft body gayundin si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon bilang mga naging pinuno ng ahensya.
Si Dela Rosa ay nagsilbing BuCor Chief simula noong Abril hanggang Oktubre ng taong 2018.
Binanggit pa ni Jaloslos na kasama rin sa 30 opisyal na sinisiyasat ngayon ang iba pang mga kasalukuyan at nakalipas na opisyal ng BuCor simula nuong Agosto 2014.
Maliban sa aspetong administratibo, iniimbestigahan din ang mga dawit na opisyal sa posibleng pananagutang kriminal nang aprubahan ang paglaya ng halos 2,000 convicts ng heinous crimes bagamat hindi ito pinapayagan ng GCTA law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.