Walang pasok sa lahat ng antas sa Maynila sa Sabado

black nazarene processionSuspendido na ang klase sa lungsod ng Maynila sa Sabado, January 9 na kapistahan sa Quiapo Maynila.

Ayon kay Manila City ADministrator Erickson Alcovendas, walang klase sa mga pampubliko at pribadong kolehiyo sa lungsod, gayundin sa mga elementarya at high schools na nagpapatupad ng Saturday Class.

Inaasahan na kasi aniya ang mabigat na daloy ng trapikong idudulot ng prusisyon ng Itim na Nazareno lalo na sa mga rutang daraanan nito.

Samantala, inirekomenda naman ng Department of Public Works and Hiways (DPWH) sa komite ng kapistahan ng Itim na Nazareno na huwag pa ring gamitin ang Mc Arthur Bridge sa prusisyon sa Sabado.

Sa press conference kanina, sinabi ng kinatawan ng DPWH na mahina pa rin ang pundasyon ng nasabing tulay kaya sa Jones Bridge pa rin dapat padaanin ang andas ng Nazareno.

Dahil dito sinabi ni Alcovendas na ang rutang dinaanan ng prusisyon noon isang taon ang gagamitin kung saan mula sa Quirino Grandstand ay dadaan sa Jones Bridge and prusisyon kakanan ng Dasmarinas St., didiretso sa harap ng simbahan ng Sta Cruz.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos na nasa 1,680 tauhan ang kanilang ipapakalat kabilang ang mga traffic enforcer, medical, sanitation at clearing operation teams.

Read more...