2 priority bills na ipinasa ng Kamara malaki ang maitutulong sa bansa

By Erwin Aguilon September 11, 2019 - 11:41 PM

Ipinagmalaki ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang malaking maitutulong sa bansa ng dalawang prayoridad na panukalang batas na inaprubahan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Kasunod ito ng pag-apruba sa House Bill 304 o ang “Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act” (PIFITA) at House Bill 300 o “Amendment of the Foreign Investments Act (FIA).”

Layunin ng mga panukala na gawing madali at simple ang pagkolekta ng buwis ng gobyerno sa ilalim ng PIFITA habang luluwagan naman ang restrictions sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa ilalim ng pag-amyenda sa FIA.

Ayon kay Salceda, sa oras na maging ganap na batas ang mga ito ay magiging daan para makakolekta ng malaking buwis ang gobyerno, mas makaakit ng magandang kapital at mamumuhunan sa bansa, mapondohan ang mga itatayong imprastraktura, makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino gayundin ang mas mapalakas ang inclusive at patuloy na paglaki ng ekonomiya.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte na kinakatawan ng PIFITA bill ang Fourth Package ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng administrasyon habang ang Amendment ng FIA bill ay kabilang sa mga lehislatibong prayoridad ng Kongreso.

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, FIA, inaprubahan, Kamara, pifita, priority bills, Rep. Joel Salceda, tulong sa bansa, Alan Peter Cayetano, FIA, inaprubahan, Kamara, pifita, priority bills, Rep. Joel Salceda, tulong sa bansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.