Mga pasilidad sa Mindanao Grid hindi napinsala ng lindol sa Davao Oriental

By Noel Talacay September 11, 2019 - 11:13 PM SHARE(S):

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tuloy ang power transmission services sa lalawigan ng Davao Orinetal.

Ayon sa pamunuan ng NGCP, hindi napinsala ang kanilang mga pasilidad sa Mindanao Grid matapos ang nangyaring lindol sa nasabing lalawigan.

Nananatiling maayos ang kanilang transmission facilities kaya walang power interruption na mangyayari sa Davao Oriental at sa mga kalapit na lugar.

Bandang ala 1:39 Martes ng hapon, Sept. 10 ay niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

 

 

TAGS: davao oriental, lindol, magnitude 5.8, Mindanao Grid, ngcp, power interruption, transmission lines, davao oriental, lindol, magnitude 5.8, Mindanao Grid, ngcp, power interruption, transmission lines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.