Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang bagyo sa layong 1,620 kilometers sa Silangang bahagi ng Southern Luzon bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Bumilis ang bagyo sa 25 kilometers per hour sa direksyong Hilagang Silangan.
Ani Clauren, inaasahang papasok sa PAR ang bagyo sa susunod na 48 oras.
Oras na makapasok sa bansa, papangalanan itong ‘Marilyn.’
Samantala, nakaaapekto aniya ang trough o buntot ng bagyo sa Southern Luzon at Visayas.
MOST READ
LATEST STORIES