Bagyo sa labas ng PAR papasok sa loob ng 48 oras
Nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang bagyo ng PAGASA.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang bagyo sa layong 1,620 kilometers sa Silangang bahagi ng Southern Luzon bandang 4:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Bumilis ang bagyo sa 25 kilometers per hour sa direksyong Hilagang Silangan.
Ani Clauren, inaasahang papasok sa PAR ang bagyo sa susunod na 48 oras.
Oras na makapasok sa bansa, papangalanan itong ‘Marilyn.’
Samantala, nakaaapekto aniya ang trough o buntot ng bagyo sa Southern Luzon at Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.