Clearing operations sa Maynila patuloy

By Angellic Jordan September 11, 2019 - 10:50 PM SHARE(S):
Manila PIO photo

Puspusan pa rin ang pamahalaan lokal ng Maynila sa pagkakasa ng clearing operation sa iba’t ibang lansangan sa lungsod.

Magkatuwang ang Department of Engineering and Public Works (DEPW) at Department of Public Services (DPS) sa operasyon, araw ng Miyerkules.

Sa mga larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office (PIO), ilan sa mga sinuyod ng DEPW at DPS ang kahabaan ng Singalong Street corner Pedro Gil Street hanggang Quirino Avenue.

Makikitang inalis ang mga nakaharang na kalat, basura at maging basketball ring sa lugar.

Tinanggalan din ng mga sagabal ang bahagi ng T. M. Kalaw Street sa Ermita.

Hindi rin nakatakas sa cable-bundling operations ang bisinidad ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ang operasyon ay bahagi pa rin ng direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan binigyan ng 60 araw ang mga local government unit (LGU) para alisin ang lahat ng sagabal sa mga kalsada.


TAGS: basketball ring, Basura, clearing operations, DILG, manila, Manila PIO, PLM, basketball ring, Basura, clearing operations, DILG, manila, Manila PIO, PLM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.