SWS: Mga Pinoy na nakasaksi sa umanoy iregularidad sa 2019 elections kaunti
Mas kakaunting Filipino ang nagsabing personal na nakasaksi sa vote buying o iba pang ilegal na aktibidad sa nagdaang 2019 midterm elections, batay sa panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa resulta ng survey, lumabas na 10 porsyento ang nasabing personal na nakita ang vote buying.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 19 porsyento noong June 2016.
Nasa 15 porsyento naman ang nagsabing nakarinig o nabasa ukol sa vote buying, 16 porsyento ang hindi tiyak habang 59 porsyento naman ang sigruadong hindi nangyari.
Samantala, 2 porsyento ang nagsabi na personal na nakakita ng pag-harass sa mga botante, 4 porsyento ang nakarinig o nabasa, 10 porsyento ang hindi tiyak at 83 porsyento ang tiyak na hindi ito nangyari.
Nang tanungin naman kung ano ang mga problemang dinanas sa eleksyon, lumabas na 53 porsyento ang sumagot ng mahabang pila at 16 porsyento sa pumalyang vote counting machines (VCM).
4 porsyento naman ang hindi nakapagbasa ng balota habang tig-3 porsyento ang karahasan sa polling center at hindi nakita ang pangalan sa listahan ng mga botante.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adults mula June 22 hanggang 26, 2019.
Ang survey ay mayroong sampling error margin na ±3 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.