Bahay, nasunog sa Australia dahil sa lumiyab na hoverboard

By Dona Dominguez-Cargullo January 05, 2016 - 12:25 PM

hoverboardIsa na namang insidente ng pagkasunong nang dahil sa hoverboard ang naitala.

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa Melbourne, Australia, matapos na lumiyab ang isang goverboard na nakasaksak sa isang kwarto.

Ang nasabing hoverboard ay regalo ni Ash Ibraheim sa kaniyang anak kamakailan bilang Christmas gift.

Nagawa namang makalabas ng buong pamilya sa kanilang bahay bago pa tuluyang lumaki ang apoy matapos na tumunog ang smoke alarm.

Ang ‘hoverboards’ na isang reality self-balancing electric scooters ay ibinebenta ngayon sa Australia sa halagang Aus$200 o US$150.

Gayunman, nitong nakalipas na mga araw, marami ang nagpapahayag ng pagkabahala sa kaligtasan ng paggamit ng hoverboard.

Partikular na inirereklamo ng ilang users ang chargers ng hoverboards na madaling masira at ang iba nga ay nagdudulot pa ng sunog.

Ayon kay Ibraheim, tiniyak niyang nakatugon sa Australian standards ang mga binili niyang hoverboards para sa tatlong anak na babae.

Nabalitaan na rin umano nila na may mga imported na hoverboards na nakapapasok sa Australia na hindi tumutugon sa standard ng nasabing bansa.

TAGS: hoverboard sparks fire house in australia, hoverboard sparks fire house in australia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.