Dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. ligtas na matapos ang ambush
(UPDATE) Ligtas na si dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. matapos ang pananambang sa kanya at mga bodyguard nito Miyerkules ng hapon.
Nilinaw naman ni San Carlos City Mayor Julier Resuello na isang pulis na bodyguard ni Espino ang nasawi, taliwas sa mga unang ulat.
Nagtamo anya si Espino ng mga tama ng bala ng baril sa braso at katawan nito pero sa ngayon ay “out of danger” na ito.
Nabatid na prinotektahan ng kanyang mga bodyguard ang dating opisyal sa gitna ng pamamaril.
Dinala ang dating gobernador sa Holy Blessed Family Hospital matapos ang ambush sa Barangay Magtaking sa San Carlos City alas 4:30 ng hapon.
Apat pa sa bodyguards ni Espino, kabilang ang driver nito, ang matinding nasugatan nang pagbabarilin ng mga suspek ang sinasakyan nilang Toyota Innova habang ang dating gobernador ay nakasakay sa Toyota Land Cruiser.
Dagdag ni Mayor Resuello, naimaneho pa ng driver ni Espino ang sasakyan hanggang sa ospital na 150 metro lamang ang layo sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng ambush kay Espino na nagsilbi ring kinatawan ng ika-limang distrito ng lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.