Dating Pangasinan Gov. Espino sugatan sa ambush, isa sa kanyang mga tauhan patay

By Den Macaranas September 11, 2019 - 07:18 PM SHARE(S):
PRC photo

Nasa kritikal na kundisyon si dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. makaraang pagbabarilin ng ilang mga armadong kalalakihan ang kanyang sasakyan.

Isa sa kanyang mga kasamang tauhan na sakay ng kulay itim na sasakyan ang namatay ayon sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office.

Naganap ang ambush sa Barangay Magtaking sa San Carlos City bago mag-alas singko ng hapon kanina.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Philippine Red Cross Chairman Richard Gordon na iniharang ng mga tauhan ni Espino ang kanilang katawan sa dating opisyal para ito ay proteksyunan.

Isang team na ang binuo ng PNP para tugisin ang mga suspek sa krimen habang nagdoble na rin ng seguridad sa pagamutan kung saan isinugod ang dating gobernador.

TAGS: amado espino, ambush, PNP, san carlos city, amado espino, ambush, PNP, san carlos city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.