Chinese nationals huli dahil sa pagdukot sa mga kapwa Chinese

Arestado ang dalawang Chinese national dahil sa pag-kidnap sa dalawang kapwa-Chinese na may utang sa kanila.

Sa isang press conference, nakilala ni Lt. Col. Elmer Cereno, tagapagsalita ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), ang mga suspek na sina Beng Shiwu, trenta anyos, at Jiamin Ou, bente-otso anyos.

Ayon sa pulisya, nagkautang kasi ang mga biktima na si Li Ning at Yang Yang ng 1 million Chinese Yuan o katumbas ng P7.3 Million dahil sa paglalaro ng Bacarrat sa isang casino sa Parañaque City.

Ipinaliwanag ni Lt. Col. Villaflor Bannawagan, officer-in-charge ng PNP-AKG, sangkot ang mga suspek sa tinatawag na ‘loan shark’ scheme kung saan magpapautang nang may interes at kapag natalo, saka kukunin ang mga ito.

Lumabas kasi sa imbestigasyon na nag-alok ang mga suspek ng nasabing halaga ng pera kapalit ng casino chips.

Maliban dito, nag-alok din ang mga suspek na kumuha ng isang hotel room para sa mga biktima.

Nang matalo sa sugal, bumalik ang mga biktima sa kwatro at dito na kinandado si Deng ang pinto.

Agad iniulat ng mga biktima ang insidente sa kanilang mga kaibigan sa Beijing, China dahilan para makahingi ng tulong sa pamunuan ng casino at ipinaalam naman sa PNP-AKG.

Masasampahan ang mga suspek ng kasong kidnapping for ransom at illegal detention.

Read more...