Dagdag na player sa telecom industry target ng DICT
Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng ikaapat o ikalimang telecommunication company sa Pilipinas.
Ayon kay DICT Secretary Gregorio “Gringo” Honasan, ang pagkakaroon ng ikaapat o ikalimang telco player ay magbibigay ng mas mura at mabisang serbisyo sa mga Filipino.
Ani Honasan, isusulong ito ng kagawaran sa tamang panahon.
Huling napili bilang ikatlong telco player ang Mindanao Islamic Telephone Company Incorporated (Mislatel).
Samantala, nakumpirma si Honasan ng Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng DICT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.