PACC pinadi-distansya ng Malacanang sa GCTA investigation

By Chona Yu September 11, 2019 - 02:51 PM

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Sapat na para sa Malacanang ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dapat ng itigil ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang pag eksena sa naturang usapin.

Paliwanag ni Panelo ang Ombudsman ang mayroong constitutional body na may mandatong mag-imbestiga kaya’t dapat lang na itigil na ng alinmang ahensiya ang pagsisiyasat tungkol sa isyu ng GCTA.

Dagdag ni Panelo na hindi na nangangailangan pang mag-isyu ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para sabihan ang PACC na itigil na nito ang pag-iimbestiga dahil dapat ay batid na nila ang kanilang tungkulin.

Una nang nanawagan si Ombudsman Samuel Martirez sa PACC na kung maaari’y huwag nang magsagawa ng sarili nitong pagsisiyasat sa pangambang magkaroon ng tinatawag na “conflicting result” bukod pa sa ginagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa GCTA.

TAGS: GCTA, ombudsman, pacc, panelo, GCTA, ombudsman, pacc, panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.