Koreano huli sa pagnanakaw ng chocolate bar sa Cavite

By Angellic Jordan September 11, 2019 - 02:45 PM SHARE(S):

Huli sa akto ang pagnanakaw ng isang Koreano sa isang convenience store sa Cavite, araw ng Martes.

Sa isang panayam, sinabi ni Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police, nagtangkang nakawin ng Korean na si Young Jun Han ang ilang tsokolate sa isang convenience store sa Barangay Niog 2 sa Bacoor City bandang alas sais ng gabi.

Hindi pa malinaw kung gaano na katagal si Young nananatili sa Pilipinas.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Bureau of Immigration (BI) ukol sa insidente.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa suspek.

TAGS: cavite, chocolate bar, korean, theft, cavite, chocolate bar, korean, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.